Rude Bus Conductor draws irks from netizens for his disrespectful comments to passengers

A bus conductor draws irks from netizens following a Facebook post about him as rude and disrespectful to passengers even to an elderly woman. 

In her years of taking the bus, Facebook user Lei Layne said she saw multiple times bus conductors arguing with passengers, but this bus conductor was a totally different individual.

"Yes, there are rude passengers too because the conductors are rude as well. Even drivers join the argument sometimes," said Layne.


"But this bus conductor is different from all that I saw. Even those that are quite and talk nicely are being disrespected," Layne added.


If there are hugot lines from others, here are some from our guy.


"Buy a vehicle of your own so you won't take the bus," said the infamous bus conductor to one of the passengers who asked if she can get off the bus. 


"Lady in red, get off the bus rather than blocking the way."


Here's the complete post of Miss Layne.

***
Pasikatin natin si Kuya! Bastos, walang modo, pati matanda pinapatulan. Sa ilang taon na sumasakay ako ng bus, ilang beses akong nakakita ng nag aaway na pasahero at kundoktor. Oo, may bastos na pasahero rin, dahil bastos rin ang kundoktor, kung minsan pati driver nakikisawsaw.

Pero iba ang kundoktor na ito sa lahat ng nakita ko! pati mga pasaherong nananahimik, at maayos na nakikipag usap, binabastos!


1. May bababang pasahero, ilang uli na pumara hanggang sa sumisigaw na hindi pa rin humihinto ang bus. Lumagpas na sila sa bababaan nila, di makalabas dahil walang madaanan sa sikip at dami ng pasahero.


"Boss, pwedeng bumaba?!" sumagot ang kundoktor, "Bumili ka ng sasakyan mo! para dka sumasakay ng bus!" ang layo ng sagot ni kuya! bumaba ang pasahero. Hindi na sumagot.


2. Sinigawan si nanay na nakatayo sa loob ng bus, "Babaeng nakapula! Bumaba ka na lang kesa nakaharang ka jan!"


Ilang beses hindi pinansin ni nanay ang bastos na kundoktor. Hindi tinantanan ni kuya hanggang sa sumagot na si nanay. "Bakit mo ko pababain nakasakay na ko! intindihin nyo ang pasahero, hindi puro kita nyo na lang iniisip nyo"


"Ganon talaga pag makulit ang pasahero!" sagot ng kundoktor na bastos.


Ilang ulit sinigawan ni kuya si nanay para bumaba. Ilang ulit na rin sila nagsagutan.


Baka mahuli daw sila ng overloading kaya pilit nyang (kundoktor) sinisiksik ang mga pasahero papasok ng bus. Para nga naman hindi mukhang puno sa harapan!


Sabi ni nanay, "wag kang mag papasok! puno na pasakay ka pa rin ng pasakay!"


"Tara dito, bumaba ka na lang! pwedeng bumaba kesa nakaharang ka jan!"


3. Bago pa sila mag away ni nanay. Siningil ako ng pamasahe, hindi ako makapagbayad sa sikip ng bus, nakakapit ako, dahil alam naman natin na mahirap tumayo sa loob ng bus habang uuga uga habang umaandar ang bus at siksikan. "Teka lang kuya, hindi ako makakuha ng pamasahe"


pagkatapos nila mag away ni nanay, tinapik ako ng bastos na kundoktor sa balikat. "Pamasahe! Kanina pa eh!"

Bwisit na ko sa kanya habang nakikipag sagutan sya kay nanay, kaya agad ko syang sinagot "Bastos ka ah! umayos ka ng ugali mo! Edukado mga pasahero mo! maniningil ka lang ganyan ka pa! Wala kang modo pati matanda pinapatulan mo!"

Nagsagutan kami, wala daw akong balak magbayad. Hindi daw nya kailangan ang pera ko. Wow! Kaya pala halagang bente uno, naghihimutok sya. 21 pesos! tatakbuhan ko pa? Nakapagbayad na ko, hindi pa rin matahimik ang bunganga ni kuya.

Sabi ni ate sa tabi ko, "dapat jan pinapasikat eh! bastos!"

pinagsabihan ng driver ang kundoktor, "pasahero yun eh. ayusin mo pakikipag usap, magbabayad naman yun"

"hindi yun!" sagot ng walang modong kundoktor.

4. Marami pang sinigawan si kuya na pasahero. Mga pasaherong nakasandal sa upuan habang nakatayo, "huwag kayong sumandal sa upuan! dalawahan yan! sa bintana kayo humarap! Talikuran lang!"

may isang pasaherong sumagot, "paano pag may bababa!? saan dadaan!"

sa laki ng tyan ni kuya, pag dumadaan sya para maningil, naiipit ang mga pasaherong nakatayo pati mga nakaupo nababangga nya! napakasikip talaga!

Parang normal na eksena na sa Pilipinas ang siksikan sa bus, pero hindi pa dyan natapos ang kabastusan ng kundoktor!

Binalikan uli ng kundoktor si nanay sa likod ng bus, may mga bumaba na kaya nakaupo na si nanay, pati ako naka upo na rin. Hanggang sa makababa ako ng bus, naririnig ko pa silang nagsasagutan.

Sabi ni nanay, "Huwag kang nang aaway ng pasahero. Kanina ka pa eh. Lahat na lang inaaway mo" pinapababa pa rin ng bastos na kundoktor si nanay.

Nakapag bayad na ng pamasahe si nanay. Ano pang problema mo kuya?

Sana may aksyon para sa mga kundoktor na walang modo! Hindi marunong makipag usap ng maayos para sa bagay na hindi naman dapat pinag aawayan! Pati matanda pinapatulan. Walang galang!

First time ko makipag away sa bus, public place. Non-sense reason. Totally unreasonable person! I could have let this pass, but he have gotten in to my nerves!

AC Trans ang bus. Plate UVD 698
***
Commuting on an overcrowded buses and other transportation is an everyday occurrence in the Philippines. If doing it in a regular basis is already a pain, how much more then if you get to encounter rude and disrespectful bus conductors?

The post has since gone viral receiving 3,856 likes and 6,526 shares at the time of writing.